IGALANG SI LOLA

Bakit kaya may mga taong sadyang napaka sama ng ugali. Nitong mga nakaraang araw, napansin kong maraming bagay ang nangyayari sa loob ng jeep. Isa na dun ung kwento kong Istolen Syat.

Eto pa ang isa..

Kahapon mga bandang alas dos, pumunta ako ng G-mall para makipagusap sa isang taong may malaking kinalaman sa kalakalan na ginagalawan ko. Kasagsagan ng init nung mga oras na ‘yon, bagama’t hindi naman traffic, nakakabagot ang init ng araw. Pakiramdam ko nga eh, nasusunog na yung buhok ko. Nung medyo malapit na ako sa mall, may pumarang matandang babae, tantsya ko mga nasa edad 60 pataas, nakukuba na si lola sa katandaan. Pag-akyat niya sa jeep, nakiusap siya sa isang lalakeng nakaupo sa may gilid.

Halatang pagod si lola habang sinsabi dun sa lalakeng nasa 30 pataas, “Dong, sibugi na lang didto gamay beh” (Dong, pwede ka bang umusog na lang ng kaunti)

Siyempre, inaasahan kong uurong si lalake. Pero, nagulat ako ng binulyawan niya si lola, nang sinabi niyang “Kadaghag lugar dira oh nganong paisbugon pa man ko nimo. Dira ka oh, excercise gud manang.” (Ang daming lugar dun oh, bakit kailangan mo pa akong paurungin. Dun ka oh, mag excercise ka manang.)

Naku, talaga namang nakakapanginig ng laman.

Walang nagawa si lola, umusad na lang siya papunta dun sa bakanteng lugar at sinabi pa niya dun sa lalakeng “Sorry dong, sakit man gud akong tuhod.” (Pasensya na dong, masakit kasi ang tuhod ko.)

Naawa ako kay lola. Parang naluha ako. Parang gusto ko sabihin sa lalake na, paano kung yung lola niya bubulyawan lang ng kung sino? Para uurong lang ng kapirangot di pa magawa. Kung ako lang ang nasa lugar niya, ‘di na ako kailangan pang sabihan, kaso andun kasi ako malapit sa may driver’s seat.

Ang turo sa akin sa skul, igalang daw ang mga nakakatanda. Darating ang araw, tatanda rin tayo. Kagaya ni lola, sasakit ang tuhod at magiging kuba rin tayo. Balang araw, makikiusap din tayo sa mga tao sa jeep na umurong nalang para di na tayo umusad papasok. Kaya, habang bata pa tayo at malakas pa ang tuhod, matuto tayong gumalang sa mga nakakatanda sa atin. Cge kayo, kapag ang ugali niyo ay kagaya nung lalekeng ayaw iwan yung kanyang inuupuan, baka pagtanda niyo, kayo naman ang mabulyawan ng kung sino.

Julie Alontaga is the Beauty Content Creator and Editor of As Told By Julz. She works as a VA-SEO Specialist for a Web Development Company based in Australia. When she’s not at work, she spends her free time binge watching movies and TV series, reading books, cooking/baking, or playing SIMS 4.

9 Comments

  1. JETTRO
    April 7, 2011

    Kawawa nga yung mga matatanda, sisigawan pa tulad nung kaibigan ko pinaupo niya yung matanda siya na lang ang sumabit kaso nahulog.

    Reply
  2. Julz
    April 7, 2011

    @tonio: ahaha..pasensya na…hihihihih….

    @ madz: oo nga marami pa jan..pero marami rin mga walang pinagkatandaa…haha

    Reply
  3. tonio
    April 7, 2011

    anak ng baka! dito lang pala yung pagkoko-comment, antagal kong hinanap to, ngayon lang tuloy ako nakapagkumento, ahehe

    Reply
  4. madz
    April 7, 2011

    hay, ang sama naman ng ugali niya.. napakaliit na bagay.. pero kahit papaano, marami pa akong nakikitang gentleman sa lansangan.. kahit papaano, masaya pa rin, dahil may mga pinoy pa rin na sanay gumalang sa mga matatanda..

    Reply
  5. Julz
    April 7, 2011

    naman talaga hari ng sablay, naniniwala akong gentleman ka..ahaha

    oo nga eh sayang, tapos papadala ko sa police station yung picture..haha

    Reply
  6. Hari ng sablay
    April 7, 2011

    dapat ginawa mo dun ikaw naman ang nagistolen shot tpos sinumbong mo,haha

    konti nalang tlga kaming gntleman sa mundong ito.maniwala ka sana.haha

    Reply
  7. Julz
    April 7, 2011

    Naku grabe talaga yung mamang yun, hindi na nahiya dun sa lola..nakakaawa talaga. Alam yung ang init na nga ng araw, hirap pa maglakad, tapos bubulyawan ka pa..

    tsk tsk tsk…eh kung lola niya kaya ang ginanun..hay nako ewan..

    ako hindi ako laki sa lola pero marami na akong naalagaang lolo at lola nung nagdu-duty pa ako sa ospital…

    hay naku!

    Reply
  8. RaYe
    April 7, 2011

    if i was there, baka binulyawan ko yung mama…
    palaki ako ng lola ko kaya malambot ang puso ko sa mga matatanda e..

    Reply
  9. chikletz
    April 7, 2011

    nakakabwisit talaga ang mga ganung tao. sarap..ah basta. laking lola pa naman ako. kung lola ko ung ginanun nya, baka..ah basta.

    Reply

Show Me Some Love <3

Scroll to top